Thursday, March 27, 2014

Fairytale of New York



New York is 
Masarap siguro dito kapag gabi pinalilibutan ka ng mga ilaw na parang mga bituin na nagkalat sa mga daan. at kapag umaga naman ang sikat nang araw ang bubungad sa iyo upang gisingin ka at may panibagong bukas sa iyong pinagpalang buhay. :")

Saturday, March 22, 2014

Reach Your Dreams Reality & Love


Ito ang Ipapatugtog ko kapag ang kaarawan ko ay sumapit na.


                                                       "BIRTHDAY BY KATY PERRY"



[Prod. by Dr. LukAnnotatee, Max Martin, Cirkut]
[Written by Katy Perry, Dr. Luke, Max Martin, Bonnie McKee, Henry Walter]

[Verse 1]
I heard you're feeling nothing's going right
Why don't you let me stop by?
The clock is ticking, running out of time
So we should party all night


[Pre-Chorus]
So cover your eyes, I have a surprise
I hope you got a healthy appetite
If you wanna dance, if you want it all
You know that I'm the girl that you should call

[Chorus]
But when you're with me, I'll give you a taste
Make it like your birthday every day
I know you like it sweet, so you can have your cake
Give you something good to celebrate


[Post-Chorus]
So make, a wish
I'll make it like your birthday every day
I'll be, your gift
Give you something good to celebrate


[Verse 2]
Pop your confetti, pop your PĂ©rignon
So hot and heavy till dawn
I got you spinning like a disco ball
I'll have them playing your song

[Pre-Chorus 2]
We're living the life, we're doing it right
You're never gonna be unsatisfied
If you wanna dance, if you want it all
You know that I'm the girl that you should call

[Chorus & Post-Chorus]

Happy birthday...

[Bridge]
So let me get you in your birthday suit
It's time to bring out the big balloons
So let me get you in your birthday suit
It's time to bring out the big, big, big, big, big, big balloons


[Chorus x2 & Post-Chorus]

Happy birthday...

Anong Sarap Ang Dulot Ng Pagmamahal Ng Isang Magulang Sa kanyang Anak.




Kwento 90.7 "Love Radio"

Mula Sa Mahiwagang Burnay:

BAGAMAT MATAGAL NA SA SERBISYO, NGAYON LANG KINABAHAN NG GANITO SI ARMY LIEUTENANT JOHN BLANDFORD. ITO ANG ARAW NG PAKIKIPAGKITA NIYA KAY MISS HOLLIS MEYNELL, ANG BABAENG MAY ESPESYAL NA LUGAR SA KANYANG BUHAY. ISANG TAON NG KA PENPAL NI TENYENTE JOHN SI MISS HOLLIS. BAGAMAT HINDI PA NIYA NAKIKITA NG PERSONAL ANG BINBINI, BUHAY NA BUHAY NAMAN ANG MGA TITIK NA NAKALIMBAG SA MGA LIHAM NITO SA KANYA. INSPIRASYON NIYA ANG MGA LIHAM NA ITO PARA KAYANIN ANG HIRAP NA KINAKAHARAP SA PAGIGING ISANG SUNDALO. TANDANG-TANDA NI JOHN ANG MGA ARAW BAGO SIYA SUMABAK SA ISANG MATINDING GIYERA. SA ISANG LIHAM NIYA KAY HOLLIS, INAMIN NIYANG HINDI SIYA NILULUBAYAN NG TAKOT AT PANGAMBA. "HINDI KO MAIWASANG MATAKOT HOLLIS, HINDI KO ALAM KUNG ANONG MANGYAYARI SA MGA SUSUNOD NA ARAW." DAING NI JOHN. "SUSUONG KA SA GIYERA, NATURAL LANG NA MATAKOT KA. KAHIT ANG PINAKAMATAPANG NA TAO AY NAKAKARAMDAM PA RIN NG TAKOT." SAGOT NI HOLLIS. "JOHN, SA SUSUNOD NA MAKARAMDAM KA NG TAKOT, GUSTO KONG ISIPIN MO NA NARITO LANG AKO AT LAGI KANG IPINAGDARASAL.” ANG MGA SALITANG IYON MULA SA LIHAM NI HOLLIS ANG NAGING SANDATA NI JOHN PARA MAPAGTAGUMPAYAN ANG PINAGDAANANG GIYERA. NGAYON NGA AY MAKIKILALA NA NIYA NG ANG BABAE SA LIKOD NG MGA LIHAM NA KANYANG NAGING SANDALAN. "SIYA NA SIGURO ITONG PAPARATING?", TANONG NI JOHN SA SARILI HABANG PINAGMAMASDAN ANG ISANG BINIBINING PAPALAPIT SA KANYA. "KUNG NAGPADALA SANA SIYA NG LITRATO AY MADALI KO SIYANG MAKIKILALA." SINADYA NI HOLLIS NA HINDI MAGPADALA NG LITRATO KAY JOHN.SA PAMAMAGITAN NITO AY MASUSUBUKAN NIYA ANG TUNAY NA INTENSYON NG BINATA KUNG KAYA NITONG ISANTABI ANG KAHALAGAHAN NG PISIKAL NA KAANYUAN. "KUNG MALAMAN MO NG MAGANDA AKO, BAKA ISIPIN KO NA SINUSULATAN MO LANG AKO DAHIL SA HITSURA KO. KUNG MALAMAN MO NAMAN NA SIMPLE LANG AKO, BAKA ISIPIN KO NA NALULUNGKOT KA LANG KAYA KA NAKIKIPAG-UGNAYAN. HUWAG MO NG HINGIN ANG LITRATO KO. PAG NAGKITA NA TAYO, DOON KA MAGDESISYON. PAREHO TAYONG MALAYANG PUMILI KUNG ITUTULOY PA NATIN ITO O HINDI." PAPALAPIT NG PAPALAPIT ANG BABAE KAY JOHN. MAHABA AT MAKINTAB ANG BUHOK NITO AT BALINGKINITAN ANG KATAWAN. MAAANINAG RIN ANG KUMIKINANG NITONG MGA MATA, MAPUPULANG LABI AT MAKINIS NA KUTIS. ANG BABAENG LARAWAN NG TUNAY NA KAGANDAHAN AY ILANG DIPA NA LANG ANG LAYO MULA SA BINATA. NGUNIT NAPANSIN NI JOHN NA ANG BABAE AY WALANG SUOT NA BULAKLAK NG ROSAS SA DIBDIB NITO GAYA NG NAPAG-USAPAN NILA NG KATAGPUAN NA SI HOLLIS. "MAKIKIRAAN PO, SIR." WIKA NG MAGANDANG BINIBINI NA NAGPATULOY LAMANG SA PAGLALAKAD. NANG MAKALAGPAS ANG BINIBINI, AY SIYA NAMANG BUNGAD NG ISANG MATANDANG BABAE. PUTI NA ANG MGA BUHOK, HUKOT ANG LIKOD AT MALALALIM ANG MGA KULUBOT NG BALAT. KITANG-KITA NI JOHN ANG PULANG ROSAS NA NAKASUOT SA DIBDIB NG MATANDA, ANG PALATANDAANG PINAG-USAPAN NILA NI MISS HOLLIS MEYNELL. TILA NAHATI ANG DAMDAMIN NI JOHN. MAARI NIYANG SUNDAN ANG MAGANDANG BINIBINI NA NAUNANG DUMAAN, O SUNDIN ANG LUKSO NG DAMDAMIN PARA SA BABAENG NAGPATIBOK NG KANYANG PUSO, ANG BABAENG NASA LIKOD NG MGA GININTUANG LIHAM, SI MISS HOLLIS MEYNELL, NA MATAGAL NA NIYANG HINIHINTAY. ANG SUMUNOD NA HAKBANG NI JOHN AY KINAPALOOBAN NG TAPANG. "AKO SI LIEUTENANT JOHN BLANDFORD. IKINAGAGALAK KITANG MAKILALA, BINIBINING HOLLIS MEYNELL. PWEDE BA KITANG IMBITAHANG MAGHAPUNAN." NAPANGITI ANG MATANDANG BABAE. "HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI DITO PERO YUNG MAGANDANG BINIBINI NA NAKASALUBONG MO KANINA, PINAKIUSAPAN AKONG ISUOT ANG ROSAS NA ITO. SINABI NIYA RIN NA KAPAG NIYAYA MO AKONG MAGHAPUNAN AY IPAABOT KO SA'YO NA MAGHIHINTAY SIYA SA RESTAURANT NA MALAPIT DITO. SIGE NA IHO, HUMAYO KA NA AT PUNTAHAN MO NA ANG PAG-IBIG MO."

Kwento 90.7 "Love Radio" - ISANG BASONG GATAS

Eto po ang madamdaming kwento mula sa ming Mahiwagang Burnay:

ISANG BASONG GATAS

PAGOD AT GUTOM ANG INABOT NG ISANG BINATILYO MATAPOS ANG MAGHAPONG PAGTITINDA SA KALYE. MATUMAL ANG BENTA KUNG KAYA’T BARYA LAMANG ANG KINITA NIYA. HINDI SAPAT PARA MAKABILI NG KAHIT NA ISANG PIRASO NG TINAPAY. DAHIL DITO AY NILAKASAN NIYA ANG LOOB PARA MANGHINGI NG PAGKAIN SA ISANG KALAPIT-BAHAY.

PAGKATOK SA PINTO AY ISANG BABAE ANG BUMUNGAD SA KANYA. KINAPITAN NG HIYA ANG BINATA KAYA HUMINGI NA LAMANG NG MAIINOM. TILA NAPANSIN NG BABAE NA NAGUGUTOM ANG BINATILYO KUNG KAYA’T IPINAGHANDA NIYA ITO NG ISANG BASO NG MAINIT NA GATAS. DALI-DALING ININOM NG BINATILYO ANG INIHANDA NG BABAE. “MAGKANO PO ANG IBINIGAY NINYONG GATAS SA AKIN.” TANONG NG BINATILYO. “NAKU, IHO, BIGAY KO LANG YUN SAYO. KABILIN-BILINAN NG AKING INA, WAG AKONG HIHINGI NG ANUMANG KAPALIT SA KABUTIHANG IBIBIGAY KO SA IBANG TAO.”
DAHIL DITO AY LABIS –LABIS ANG NAGING PASASALAMAT NG BINATILYO BAGO NAGPAALAM SA BABAE.

LUMIPAS ANG MARAMING TAON, KINAPITAN NG MALALANG KARAMDAMAN ANG BABAE DAHIL NA RIN SA KATANDAAN. NAPAKARAMING DUKTOR NA ANG TUMINGIN SA KANYA SUBALIT NAGING MAILAP ANG KAGALINGAN DITO. KINAILANGAN SIYANG DALHIN SA ISANG ESPEYALISTA PARA MAGAMOT AT MAILIGTAS SA PAG-AAGAW BUHAY.

AT SA KAHULI-HULIHANG DUKTOR NA PINADALAHAN SA BABAE, NATUTUKAN SIYA NG MAAYOS AT NAGAMOT ANG KANYANG KARAMDAMAN. ANG TANGING PROBLEMA NA LAMANG NG BABAE AY KUNG PAANO MAKAKABAYAD SA OSPITAL.

NANG DUMATING NA ANG BILL MULA SA OSPITAL, LAKING GULAT NG BABAE NG MABASA NIYA ANG MGA SUMUSUNOD:
“PAID IN FULL NG ISANG BASONG GATAS…SIGNED…DR. HOWARD KELLY.”

Kwento 90.7 "Love Radio" - Basahin niyo po magbibigay inspirasyon sa inyong buhay: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."

Ang kwento mula sa aming Mahiwagang Burnay kanina:


“TINAPAY”

Nakagawian na ng isang panadera ang gumawa ng tinapay para sa kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit simula ng magtungo ang anak sa kabilang baryo para makipagsapalaran, ay wala na siyang naging balita tungkol dito.
Sa kabila nito ay gumagawa pa rin siya ng tinapay. Araw-araw ay nag-iiwan siya ng tinapay sa pasimano ng kanilang bintana, Umaasa ang panadera na isang araw ay babalik ang kanyang anak at muling matitikman ang paborito nitong tinapay na nakahain na sa may bintana.
Isang araw, isang kubang pulubi ang napapadaan malapit sa kanilang bintana. Kinuha ng kuba ang nakahain na tinapay at pagkatapos ay sinabi ang mga sumusunod: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo nat ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Naulit pa iyon ng maraming beses. Halos araw-araw ay kumukuha ng tinapay ang kubang pulubi at paulit-ulit na inuusal ang mga salitang: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Dahil dito ay hindi maiwasang mainis ng pandera sa kubang pulubi. "Hindi man lang marunong magpasalamat ang kuba na 'to. Kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig niya. Ano bang ibig sabihin ng nililitanya ng kuba na 'yan?", galit na winika ng panadera.
"Dapat ay makaisip ako ng paraan para hindi bumalik dito yang kuba na yan. Maiinis lamang ako tuwing dadaan yan dito."
Kinabukasan ay nariyan na naman ang kubang pulubi. Pagkakuha ng tinapay ay muli na naman itong nagsalita: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Ang inis ng panadera ay nauwi na sa galit. Sa kanyang galit ay nakaisip siya ng paraan para di na muling gambalain ng kubang pulubi. Nilagyan niya ng lason ang ginagawang tinapay. Subalit ng ilalagay na niya ito sa may binta ay bigla na lamang siyang nakunsensya.
"Ano ba itong naisipan kong gawin? Hindi ito tama!", sabi ng panadera. Dali-dali niyang itinapon ang tinapay na may lason sa apoy ng kalan at naglagay ng maayos na tinapay sa may bintana.
Kinaumagahan ay muling dumaan ang kubang pulubi. Kinuha ang tinapay sa bintana at muling inusal ang mga salitang: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo." Pagkatapos nito ay umalis na ang kuba pulubi ng walang kaalam-alam sa pinagdadaanan ng panadera.
Pagsapit ng gabi ay may kumatok sa pintuan ng panadera. Lumukso ang puso ng panadera sa kanyang nakita. Ang kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita ay nakatayo sa kanyang pintuan. Payat na payat ito at halos maluray na ang suot na damit. Nanghihina ito at halos hirap sa paglalakad.
"Ina'y, milagro na nakabalik ako dito.”, wika ng anak. “ Hindi ako nagtagumpay sa layunin kong makipagsapalaran. Ninakawan pa ako ng masasamang loob. Naging palaboy ako sa lansangan. Marahil ay patay na ako dahil sa sobrang gutom. Salamat na lamang at may isang kuba na nagbibigay sa akin ng tinapay kanina. Inay, sabi sa akin ng kuba ,"itong tinapay na ito ang kinakain ko araw-araw, pero ibibigay ko na lang ito sayo dahil mas kailangang mo ito ngayon."
Nanlata ang panadera ng marinig ang sinabi ng anak. Naalala niya ang tinapay na may lason na muntik na niyang ihain sa kubang pulubi. Kung hindi niya ito naitapon sa kalan, marahil ay ito ang tinapay na nakain ng kanyang anak, at naging dahilan ng pagkamatay nito.
Bukod ditto ay naalala din ng panadera ang mga salita ng kubang pulubi:


"Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."

Mula sa https://www.facebook.com/Tambalan

Kwento 90.7 "Love Radio" - Ang Realidad Tungkol Sa Ating Mahal Na Magulang. Kaya't Kahit Ngayong Araw Lang Pasalamatan Natin Ang Mabutihing Ama't-Ina



ANG KWENTO SA MAHIWAGANG BURNAY:


INAY, YUNG TOTOO?


Nakita kitang sinisimot mo ang natirang fried chicken ni bunso, kaya binigay ko sayo yung kalahati ng fried chicken ko. Sabi mo sa kin, "'Anak, kainin mo na yan. Hindi ako mahilig sa fried chicken. At busog pa ang aking tiyan." INAY, YUNG TOTOO? Ayaw mo ng fried chicken o alam mong paborito namin ito ni bunso? Hindi ka gutom o ayaw mo lang kaming magutom?

Madaling araw na pero nagtatahi ka pa rin ng basahan. Kaya sabi ko sayo, "Nay, tulog na tayo.” Sabi mo sa akin,"Nak, matulog ka na, hindi pa ako inaantok." INAY, YUNG TOTOO? 'Di ka pa inaantok, o nagtotodo kayod ka para di kami mahinto sa pagpasok.

Nung nag-entrance exam si kuya, sinamahan mo pa siyang mag-enrol. Ang haba ng pila, siksikan sa eskwela. Nagpabili siya sayo ng tubig. "Nay, hati tayo.",alok niya sayo.
“Hindi ako nauuhaw." Yan ang sagot mo. INAY, YUNG TOTOO? Hindi ka ba talaga nauuhaw, o ayaw mo lang mabitin ang uhaw na bakulaw?

Nung nagkatrabaho na si kuya, binibigyan ka niya ng pera. Hindi mo tinanggap, "Meron pa ko dito, anak" Pero nakita kita, yung luma mong alkansya, tsinatsani mo at palihim pa. INAY, YUNG TOTOO? Marami ka pa bang pera o ayaw mo lang galawin yung ipon ni kuya?

Nung malaman namin na may sakit ka, lahat kami nabigla. Namamayat ka kasi at lubhang namumutla. Sa ospital, kinumbinsi mo si tatay, "Mga anak, ok na si nanay, umuwi na tayo ng bahay." INAY, YUNG TOTOO?, Ok ka lang ba talaga, o ayaw mo lang kaming mag-alala?

Hindi ka na gumaling, sakit mong kanser ay tuluyan ka nang inilayo sa amin.
Iniisip ko, kung nagsabi ka lang sana ng totoo, baka ngayon ay magkasama pa rin tayo.

Nalilito man kami sa mga sinasabi mo, isang bagay lang ang aming sigurado. Kailanman ay hindi mo ipinagkait sa amin ang pagmamahal mong matiisin at hindi nagsisinungaling. INAY, ANG PUSO MO’Y GINTO, AT YAN ANG TOTOO!


Mula sa:https://www.facebook.com/Tambalan

Hayaan ang emosyon mo ang magsalaysay kung paano mo kamahal iyong mga magulang at magpadalisay sa agos ng panahon na kakahantungan ng lahat ito ay ang "PAGTANDA"


                 "Sa aking pagtanda"

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!”

paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa

lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.

Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,

paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sailalim ng kama kapag ayaw mong maligo.


Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.


Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.


Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …

dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…


- sa panulat at isipan ni Rev.Fr. Ariel F. Robles

Mula sa Katastropiya ng "Pamantasan Ng Lungsod Ng Muntinlupa" "SY 2009-2010"

March 10
  2014
Masyadong marami ang mga bituin para masaktan. Masyadong malayo sa isa`t isa upang magkasakitan.

-KatasII: Ang Muling Pagtatalik ng Panahon.

S.Y 10`-11'

Bawat Patak Ng Ulan May Karanasan Na UUkit sa Kasaysayan.

Huwag ng makipagtalo pa sa Kaibigan na Plastik dahil sa KARMA doble ang balik sa kanya.

Huwag ng makipagtalo pa sa Kaibigan na Plastik dahil sa KARMA doble ang balik sa kanya. kung makakaranas ka ng ganyan mula sa kaibigan mo hayaan mo na ang Karms na ipa-realize sa kanya na mali ang kanyang ginawa.

From: Dear-MOR 101.9 /03/01/2014 "4:48 PM"

Baby Girl Jasmine: "Payo ko sa kabataan na pinag-aaral ng kanilang magulang alam niyo maswerte kayo dahil maraming kabataan diyan gusto makapag-aral pero hindi kayang makatutong dahil sa kahirapan." Kaya totoo sinasabi ng magulang ninyo na "MAG-ARAL NG MABUTI PARA SA IYO DIN ITO" dahil kapag nasa totoong buhay na kayo tanging SANDATA NIYO lang ang DIPLOMA AT KARUNUNGAN higit sa lahat kung nagrereklamo kayo na mahirap mag-aral ano pa kaya yung tumutulong sa inyo para sa pag-abot ng inyong mga pangarap TRIPLE pa ito sa pag-hihirap nila kaya kung may pagkakataon na baguhin ang maling ginagawa, mag-isip-isip na kayo dahil mahirap ang walang pinag-aralan. Makikita mo sa Pahayagan dapat tapos ka ng Kolehiyo o hindi kaya tapos ka sa magandang eskwelahan habang lumilipas ang panahon tumataas ang Qualification ng mga Fresh Graduate. Kaya Edukasyon ang dapat pagtuunan ng mga kabataan dahil sandata nila ito sa realidad ng buhay at mag-aahon sa kanilang mahirap na sitwasyon..

03/03/2014 "2:34PM"

Habang nakikita ko kumakain ang pamilya ko ng salat hindi ako titigil sa pag-abot ng aking mga panagarap dahil sila ang dahil kung bakit mataas ang lipad ng aking layunin sa buhay. habang ang magulang niyo o ibang tao na nagtitiwala sa pangarap mo huwag isuko ang laban dahil sila ang dahilan kung bakit may saysay ang ating mga pangarap sa buhay.

Ang pagiging simple ang daan upang mabuksan mo ang tunay na elegante ng pagiging tao. Hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba, ang mahalaga dito ay naipapahayag mo ng tama iyong personalidad.



Ang pagiging simple ang daan upang mabuksan mo ang tunay na elegante ng pagiging tao. Hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba, ang mahalaga dito ay naipapahayag mo ng tama iyong personalidad.Sa buhay walang pakialaman sa mga taong mapanghusga, pakikialaman mo lang yung mga taong nagbibigay halaga ng iyong pagkatao higit sa lahat "BASTA WALA KANG TINATAPAKANG TAO"

Ito ang esensya kung bakit mahalaga ang pag-ngiti sa buhay

     

Ito ang nagbigay sa akin ng katarungan upang lumaban sa buhay, sa ngalan ng pangarap


Ang Pag-ibig ay mahalaga sa buhay ngunit alam mo dapat kung paano ito ibabalangkas ng tama

Friday, March 21, 2014

Eroplano: Ang Simbolo Ng Pangarap Ko.

Sa Eroplanong ito dito sumisimbolo ang aking Pangarap sa buhay dahil masarap silang tingnan tuwing napapalingat ka sa langit at kapag may pagkakataon sinasabi ko sa aking sarili "Balang-Araw Makakasakay Din Ako Diyan Hindi Man Sa Ngayon Kung Hindi Sa Hinaharap Ng Aking Buhay", lagi kong linya ang kasabihang ito "Ang lahat ng ating mga Pangarap ay nakapag-hihintay pinoproseso tayo ng panahon kung paano pa patatagin ang adhikain o layunin natin sa buhay "PANGARAP", kaya't kung meron kang larawan na sumisimbolo ng iyong Pangarap hayaan mo lang ang sarili mo dahil ito ang mapagpapalawig ng salitang "PANGARAP", Ibagwis mo ang iyong Pak-pak tulad ng Eroplanong lumilipad sa ilalim ng kalangitan at parag kasabay mo din sa paglipad ang iyong mga pangarap sa buhay.