Mula Sa Mahiwagang Burnay:
BAGAMAT MATAGAL NA SA SERBISYO, NGAYON LANG KINABAHAN NG GANITO SI ARMY LIEUTENANT JOHN BLANDFORD. ITO ANG ARAW NG PAKIKIPAGKITA NIYA KAY MISS HOLLIS MEYNELL, ANG BABAENG MAY ESPESYAL NA LUGAR SA KANYANG BUHAY. ISANG TAON NG KA PENPAL NI TENYENTE JOHN SI MISS HOLLIS. BAGAMAT HINDI PA NIYA NAKIKITA NG PERSONAL ANG BINBINI, BUHAY NA BUHAY NAMAN ANG MGA TITIK NA NAKALIMBAG SA MGA LIHAM NITO SA KANYA. INSPIRASYON NIYA ANG MGA LIHAM NA ITO PARA KAYANIN ANG HIRAP NA KINAKAHARAP SA PAGIGING ISANG SUNDALO. TANDANG-TANDA NI JOHN ANG MGA ARAW BAGO SIYA SUMABAK SA ISANG MATINDING GIYERA. SA ISANG LIHAM NIYA KAY HOLLIS, INAMIN NIYANG HINDI SIYA NILULUBAYAN NG TAKOT AT PANGAMBA. "HINDI KO MAIWASANG MATAKOT HOLLIS, HINDI KO ALAM KUNG ANONG MANGYAYARI SA MGA SUSUNOD NA ARAW." DAING NI JOHN. "SUSUONG KA SA GIYERA, NATURAL LANG NA MATAKOT KA. KAHIT ANG PINAKAMATAPANG NA TAO AY NAKAKARAMDAM PA RIN NG TAKOT." SAGOT NI HOLLIS. "JOHN, SA SUSUNOD NA MAKARAMDAM KA NG TAKOT, GUSTO KONG ISIPIN MO NA NARITO LANG AKO AT LAGI KANG IPINAGDARASAL.” ANG MGA SALITANG IYON MULA SA LIHAM NI HOLLIS ANG NAGING SANDATA NI JOHN PARA MAPAGTAGUMPAYAN ANG PINAGDAANANG GIYERA. NGAYON NGA AY MAKIKILALA NA NIYA NG ANG BABAE SA LIKOD NG MGA LIHAM NA KANYANG NAGING SANDALAN. "SIYA NA SIGURO ITONG PAPARATING?", TANONG NI JOHN SA SARILI HABANG PINAGMAMASDAN ANG ISANG BINIBINING PAPALAPIT SA KANYA. "KUNG NAGPADALA SANA SIYA NG LITRATO AY MADALI KO SIYANG MAKIKILALA." SINADYA NI HOLLIS NA HINDI MAGPADALA NG LITRATO KAY JOHN.SA PAMAMAGITAN NITO AY MASUSUBUKAN NIYA ANG TUNAY NA INTENSYON NG BINATA KUNG KAYA NITONG ISANTABI ANG KAHALAGAHAN NG PISIKAL NA KAANYUAN. "KUNG MALAMAN MO NG MAGANDA AKO, BAKA ISIPIN KO NA SINUSULATAN MO LANG AKO DAHIL SA HITSURA KO. KUNG MALAMAN MO NAMAN NA SIMPLE LANG AKO, BAKA ISIPIN KO NA NALULUNGKOT KA LANG KAYA KA NAKIKIPAG-UGNAYAN. HUWAG MO NG HINGIN ANG LITRATO KO. PAG NAGKITA NA TAYO, DOON KA MAGDESISYON. PAREHO TAYONG MALAYANG PUMILI KUNG ITUTULOY PA NATIN ITO O HINDI." PAPALAPIT NG PAPALAPIT ANG BABAE KAY JOHN. MAHABA AT MAKINTAB ANG BUHOK NITO AT BALINGKINITAN ANG KATAWAN. MAAANINAG RIN ANG KUMIKINANG NITONG MGA MATA, MAPUPULANG LABI AT MAKINIS NA KUTIS. ANG BABAENG LARAWAN NG TUNAY NA KAGANDAHAN AY ILANG DIPA NA LANG ANG LAYO MULA SA BINATA. NGUNIT NAPANSIN NI JOHN NA ANG BABAE AY WALANG SUOT NA BULAKLAK NG ROSAS SA DIBDIB NITO GAYA NG NAPAG-USAPAN NILA NG KATAGPUAN NA SI HOLLIS. "MAKIKIRAAN PO, SIR." WIKA NG MAGANDANG BINIBINI NA NAGPATULOY LAMANG SA PAGLALAKAD. NANG MAKALAGPAS ANG BINIBINI, AY SIYA NAMANG BUNGAD NG ISANG MATANDANG BABAE. PUTI NA ANG MGA BUHOK, HUKOT ANG LIKOD AT MALALALIM ANG MGA KULUBOT NG BALAT. KITANG-KITA NI JOHN ANG PULANG ROSAS NA NAKASUOT SA DIBDIB NG MATANDA, ANG PALATANDAANG PINAG-USAPAN NILA NI MISS HOLLIS MEYNELL. TILA NAHATI ANG DAMDAMIN NI JOHN. MAARI NIYANG SUNDAN ANG MAGANDANG BINIBINI NA NAUNANG DUMAAN, O SUNDIN ANG LUKSO NG DAMDAMIN PARA SA BABAENG NAGPATIBOK NG KANYANG PUSO, ANG BABAENG NASA LIKOD NG MGA GININTUANG LIHAM, SI MISS HOLLIS MEYNELL, NA MATAGAL NA NIYANG HINIHINTAY. ANG SUMUNOD NA HAKBANG NI JOHN AY KINAPALOOBAN NG TAPANG. "AKO SI LIEUTENANT JOHN BLANDFORD. IKINAGAGALAK KITANG MAKILALA, BINIBINING HOLLIS MEYNELL. PWEDE BA KITANG IMBITAHANG MAGHAPUNAN." NAPANGITI ANG MATANDANG BABAE. "HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI DITO PERO YUNG MAGANDANG BINIBINI NA NAKASALUBONG MO KANINA, PINAKIUSAPAN AKONG ISUOT ANG ROSAS NA ITO. SINABI NIYA RIN NA KAPAG NIYAYA MO AKONG MAGHAPUNAN AY IPAABOT KO SA'YO NA MAGHIHINTAY SIYA SA RESTAURANT NA MALAPIT DITO. SIGE NA IHO, HUMAYO KA NA AT PUNTAHAN MO NA ANG PAG-IBIG MO."
No comments:
Post a Comment