From: Dear-MOR 101.9 /03/01/2014 "4:48 PM"
Baby Girl Jasmine: "Payo ko sa kabataan na pinag-aaral ng kanilang magulang alam niyo maswerte kayo dahil maraming kabataan diyan gusto makapag-aral pero hindi kayang makatutong dahil sa kahirapan." Kaya totoo sinasabi ng magulang ninyo na "MAG-ARAL NG MABUTI PARA SA IYO DIN ITO" dahil kapag nasa totoong buhay na kayo tanging SANDATA NIYO lang ang DIPLOMA AT KARUNUNGAN higit sa lahat kung nagrereklamo kayo na mahirap mag-aral ano pa kaya yung tumutulong sa inyo para sa pag-abot ng inyong mga pangarap TRIPLE pa ito sa pag-hihirap nila kaya kung may pagkakataon na baguhin ang maling ginagawa, mag-isip-isip na kayo dahil mahirap ang walang pinag-aralan. Makikita mo sa Pahayagan dapat tapos ka ng Kolehiyo o hindi kaya tapos ka sa magandang eskwelahan habang lumilipas ang panahon tumataas ang Qualification ng mga Fresh Graduate. Kaya Edukasyon ang dapat pagtuunan ng mga kabataan dahil sandata nila ito sa realidad ng buhay at mag-aahon sa kanilang mahirap na sitwasyon..
No comments:
Post a Comment